GMA Logo Bea Rose Santiago
Source: bea.santiago (Instagram)
What's Hot

Bea Rose Santiago receives kidney from younger brother

By Jimboy Napoles
Published April 29, 2022 6:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Rose Santiago


Umabot ng tatlong taon ang pagsalang ni Bea Rose Santiago sa hemodialysis bago sumailalim sa kidney transplant.

Masayang ibinahagi ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago na tagumpay ang kaniyang kidney transplant procedure sa tulong ng kaniyang donor, ang nakababata niyang kapatid na lalaki.

Umabot ng tatlong taon ang pagsalang ni Bea sa hemodialysis bago sumailalim sa kidney transplant.

Sa Instagram post ni Bea, nag-upload siya ng mga larawan niya kasama ang kapatid pagkatapos ng operasyon sa Toronto General Hospital sa Canada. Nagpasalamat si Bea sa kaniyang kapatid na tinawag niyang "my hero" at sa lahat ng nagdasal at nagbigay suporta sa paglaban niya sa kaniyang kondisyon.

A post shared by Bea Rose (@bea.santiago)

Aniya, "New kidney who this? Thank you to my baby brother's love and bean I have changed. Thank you world for showing me kindness and patience and of course to my family, friends and strangers for your support, countless prayers and positive energy."

Dagdag niya, "Finally after the third time and three years of dialysis! I feel brand new! I feel love and renewed! Thank you, thank you, thank you! #DONATE #BEAHERO #savelives #MYBROTHERMYHERO."

Marami naman sa mga kaibigan ni Bea ang masaya sa kaniyang magandang balita kabilang na dito ang kapwa niya beauty queens na sina Rachel Peters, Megan Young, Katrina Dimaranan, at Pia Wurtzbach.

"So brave! What a woman! Congratulations Bea!!," komento ni Pia sa post ni Bea.

Sa hiwalay na post, nagbigay naman ng aral at paalala si Bea sa mga taong may pinagdaraanan, may sakit at kasalukuyang nagda-dialysis.

A post shared by Bea Rose (@bea.santiago)

Ayon kay Bea, dapat ay maging matapang at matatag sa kabila ng hirap ng pagkakaroon ng health condition.

"Being on dialysis was tough. It almost broke my mind, spirit, and body (literally sooo weak). My advice to everyone going through a tough season, if you want light to come into your life, stand where it is shining! You are braver than you believe and stronger than you think! Kaya natin to!."

Taong 2018 nang ma-diagnose si Bea ng chronic kidney disease. Matagal na dapat nakatakda ang ang kaniyang operasyon ngunit naantala ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Samantala, alamin naman kung sino ang mga celebrity na nakaranas ng stroke at heart disease sa gallery na ito.