GMA Logo Sam Pinto
Courtesy: sampinto_ (IG)
Celebrity Life

Beach resort ni Sam Pinto sa Baler, nasalanta ng Bagyong Pepito

By EJ Chua
Published November 20, 2024 12:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Sam Pinto


Ilang parte ng resort ni Sam Pinto sa Baler, Aurora ang winasak ng Bagyong Pepito.

Maraming properties sa Pilipinas ang nasira sa paghagupit ng Bagyong Pepito.

Kabilang sa mga nasalanta ng naturang bagyo ay ang beach resort na pag-aari ng actress-model na si Sam Pinto. Matatagpuan ang resort ni Sam na pinangalanan niyang L 'Sirene sa Baler, Aurora.

Sa kanyang latest post sa Instagram Stories, ibinahagi ni Sam ang isang video, kung saan ipinakita niya ang pinsalang idinulot ng bagyo sa kanila.

Base sa post, ang kapatid ni Sam ang nakasaksi kung ano ang nangyari sa resort sa kasagsagan ng paghagupit ng Bagyong Pepito.

Sulat ni Sam, “The aftermath, kawawa.” My sister (who was there during the storm sent this).”

Samantala, sa kanyang previous interviews, sinabi ni Sam na ang kanyang resort ang isa sa mga paboritong puntahan ng mga surfer.