GMA Logo Bearwin Meily
Celebrity Life

Bearwin Meily, nawalan ng showbiz project dahil sa pagpayat

By Bong Godinez
Published June 20, 2021 5:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

Bearwin Meily


The former comedian opened up during a chat with Pia Arcangel.

Hindi biro ang naranasan at patuloy na pinagdadaanan ng komedyante na si Bearwin Meily.

Magmula kasi ng matigil ang pagdating ng showbiz projects ay kinailangan ni Bearwin na mag-isip ng iba't-ibang paraan para makatawid sa pang-araw-araw ang kanyang pamilya.

Kamakailan ay lumabas ang kuwento ni Bearwin tungkol sa desisyon niya na ibenta ang kanyang dream house para maibsan ang kahirapan ng buhay.

“Bago pa man mag-pandemic, tinamaan na 'ko. Bago pa naman mag-pandemic, hindi na ko nabibigyan ng chance sa TV,” saad ni Bearwin sa talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz.

Ngayon naman ay ikinuwento ni Bearwin kay Pia Arcangel ng Tunay Na Buhay ang kanyang maliit na negosyo at ang pinagdaanang hirap.

“We started online September lang. I cook, we prepare, my family, and then I deliver also,” kuwento ni Bearwin nang dalawin ni Pia ang stall ng kanyang corn dog business na “Corny Doggy.”

Dalawang buwan na ang food stall ni Bearwin at hands-on ang komedyante at ang kanyang pamilya sa pagpapatakbo nito.

May paandar ang food business ni Bearwin dahil may kalakip na joke ang lalagyan ng pagkain para mapasaya ang customer.

“Nabasa mo 'yong joke 'di ba?” tanong ni Bearwin kay Pia.

“Actually, that's the big difference of Corny Doggy sa ibang corn dog sa Pilipinas, and even sa States.”

Binalikan ni Bearwin kung paano siya nagsimula sa showbiz. Nanilbihan siyang alalay ni John Estrada at hindi naglaon ay nabigyan na rin siya ng break sa show business.

Ngayong walang trabaho sa showbiz ay dito na muna sa ibinubuhos ni Bearwin at ng kanyang pamilya ang kanilang atensyon para kumita.

“Dito ako dinala ng Diyos. If we work, we work. But if we pray, God works. So, everything went smooth,” emosyonal na sambit ni Bearwin.

Pero bakit nga ba nawalan ng showbiz projects si Bearwin?

Ayon kay Bearwin, isang malaking dahilan ang kanyang pagpayat kaya hindi na siya kinukuha sa mga comedy projects.

Dito na niya pinasok ang pagiging sports organizer at motivational speaker.

Tumakbo rin si Bearwin bilang konsehal sa Taytay ngunit hindi siya pinalad na manalo.

“Natalo ko dun, ok lang. So in short, wala pa kaming maisip na business. Hindi namin mabayaran 'yong bahay. Kahit ayaw naming ibenta, masakit sa amin, binenta namin. Why? Because we let go and let God.”

Nabenta naman ang dream house na ipinundar Bearwin at dahil dito ay nagkaroon ng perang panggastos ang pamilya ng komedyante.

“Sinong magsasabi na magla-lockdown? 'Yon yung there is winning in losing. Nawalan kami ng bahay pero kaya niya pala inallow 'yon it's because para meron kaming pangkain every day. Kung hindi naman nabenta 'yong bahay, na-lockdown kami, wala kaming kakainin.”

Ang natirang pera na nakuha ni Bearwin sa pagbenta ng kanilang bahay ay ang kanyang ginamit sa pagtatayo ng kanilang food business ngayon.

Watch the full interview here: