
Matapos ang kanilang naging tampuhan, nagkaayos na ulit sina Irene (Min Pechaya Wattanamontree) at Jonah (Metawin Opas-iamkajorn).
Sa #BATGPusongLito episode ngayong araw, hindi napigilan ni Irene na hindi makita si Jonah kung kaya't pumunta siya sa clinic nito at nagpanggap na bibisitahin niya lamang ang tortoise na alaga niya.
Natuwa naman si Jonah sa effort ni Irene kaya tinanggap niya na ang apology nito.
Samantala, nalaman naman ni Jonah sa kapatid ni Irene na si Shane (Piploy Kanyarat Ruangrung) na aalis ito upang mag out-of-town.
Ayaw ni Jonah na hayaan si Irene na bumyahe mag-isa kaya gumawa siya ng paraan upang makasama ito.
Ano kaya ang gagawin ni Shane kapag nalaman niya na magkasama na naman sina Jonah at Irene?
Maging daan kaya ang out-of-town para aminin na rin ni Irene ang nararamdaman niya para kay Jonah?
Abangan sa susunod na episode ng Beauty and The Guy, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA Network.