
Hindi na kayang itago ni Jonah (Metawin Opas-iamkajorn) ang nararamdaman niya para kay Irene (Min Pechaya Wattanamontree).
Sa #BATGKaribal ngayong araw, nagkainitan sina Jonah at Gene (Pod Suphakorn Sriphothong).
Matapos masira ang kotse ni Irene ay nag-unahan sila na maghatid dito.
Habang nasa byahe papuntang opisina ay kinompronta ni Gene si Irene.
Nahalata ni Gene na gusto nina Irene at Jonah ang isa't-isa ngunit pinipigilan lang nila ang kanilang mga nararamdaman.
Source: GMA Network
Galit na galit naman si Shane (Piploy Kanyarat Ruangrung) sa kanyang ate na si Irene dahil pakiramdam niya ay inaagaw nito ang lahat ng tao sa kanyang paligid.
Mula pagkabata ay mayroon nang hinanakit si Shane sa kanyang kapatid. Iniisip niya na si Irene ang dahilan kung bakit siya tinitingnan bilang isang mahinang babae.
Lalong tumindi ang galit ni Shane kay Irene nang malaman niya na gusto ito ni Jonah.
Si Jonah ay matalik na kaibigan ni Shane ngunit higit pa sa pagiging kaibigan ang tingin ni Shane kay Jonah.
Ano kayang gagawin ni Irene ngayong alam na ni Gene ang totoo?
Tuluyan kayang masira ang relasyon nina Irene at Shane?
Abangan sa susunod na episode ng Beauty and The Guy, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA Network.