
Habang tumatagal, mas nadadagdagan ang selos ni Shane (Piploy Kanyarat Ruangrung) sa kanyang ate na si Irene (Min Pechaya Wattanamontree).
Ayaw niya na lagi itong nilalapitan ng kanyang best friend at crush na si Jonah (Metawin Opas-iamkajorn).
RELATED CONTENT: Kilalanin ang mga stars ng Beauty and The Guy
Sa #BATGJealousShane episode ngayong araw, inakala ni Shane na iniwan siya ni Jonah sa ospital na mag-isa dahil sa ibang importanteng bagay.
Habang naglalakad siya pauwi, nakita niya na kasama ni Jonah si Irene sa labas ng kanilang opisina.
Nagalit siya ngunit hindi niya alam na may nangyaring masama sa kanyang ate.
Dahil sa pagiging masungit at strikto ni Irene, binalikan siya ng kanyang dating empleyado upang gantihan siya sa ginawa niyang pagtanggal dito.
Magbago na kaya ng ugali si Irene dahil sa nangyaring aksidente? Ano kaya ang gagawin ni Shane para mapaglayo si Jonah at ang kanyang ate?
Abangan sa mga susunod na episode ng Beauty and The Guy, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA Network.