
Ipinagdiwang ni Irene ang kanyang birthday kasama ang veterinarian niyang ex-boyfriend na si Jonah (Metawin Opas-iamkajorn). Sa kanyang espesyal na araw, naisipan ni Jonah na gumala at magpakain ng mga isda. Dahil dito, hindi nakapasok ng maaga si Irene sa kanyang trabaho.
Ikinagalit naman ito ng kanyang kapatid na si Shane (Piploy Kanyarat Ruangruang). Inisip ni Shane na baka kasama na naman ni Irene ang kanyang best friend na si Jonah.
Para kay Shane, si Irene ang matinding karibal niya pagdating sa lalaking kanyang gusto.
Source: GMA Network
Dahil dito, gumawa ng last will and testament si Shane kung saan nakasaad na lahat ng pag-aari niya ay mapupunta kay Irene. Kapalit ng lahat ng ito ay ang pangako ni Irene na hindi niya aagawin si Jonah sa kanyang kapatid.
Tuluyan na bang masisira ang relasyon nina Irene at Shane bilang magkapatid? Sino ang pipiliin ni Irene, si Shane o si Jonah?
Abangan sa susunod na episode ng Beauty and The Guy, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA Network.