
The wait is over, dahil ipapalabas na ngayong araw sa GTV ang 2018 Thai drama series na Beauty Boy.
Mapapanood sa serye ang mahuhusay at kilalang Thai stars na sina Baifern Pimchanok Luevisadpaibul at Tao Sattaphong Phiangphor.
Si Baifern ay gaganap dito bilang si Maxine, ang dalagang nangangarap na mabago ang kaniyang itsura upang magkaroon din ng bagong uri ng pamumuhay.
Ang aktor naman na si Tao ay mapapanood dito bilang si Jeremy, ang kapatid ng Beauty Bar owner na si Joyce na pumanaw na.
Ilan sa dapat abangan sa Beauty Boy ay ang istorya ng managers, stylists, at customers ng Beauty Bar, isang sikat na all-male beauty salon.
Sinu-sino kaya ang makakatulong ni Jeremy sa pamamalakad sa Beauty Bar?
Ano kaya ang magiging koneksyon nina Maxine at Jeremy? Abangan!
Subaybayan ang kuwento ng Beauty Boy, magsisimula na ngayong araw, 2:45 p.m. sa GTV!
Para sa iba pang Kapuso stories, bisitahin ang www.GMANetwork.com.
SAMANTALA, KILALANIN ANG THAI STARS NA NAPANOOD SA ILANG GMA HEART OF ASIA SHOWS SA GALLERY SA IBABA: