
Sa unang episode ng pinakabagong Thai series na napapanood sa GTV na pinamagatang Beauty Boy, unang napanood ang kuwento ni Maxine, ang karakter na ginagampanan ng sikat na Thai actress na si Baifern Pimchanok Luevisadpaibul sa serye.
Si Maxine ay isang simpleng babae na ang tanging hangad sa buhay ay magkaroon ng pagbabago ang kaniyang buhay.
Nang dumating ang isang pagkakataon na makapag-apply siya sa isang airline, agad niyang pinaghandaan ito.
Isang araw, bakas sa mga ngiti ni Maxine na sabik na sabik siyang mag-apply bilang isang flight attendant.
Ngunit nasa elevator pa lamang siya ng gusali kung saan siya mag-a-apply ng trabaho, tila may gusto nang sumira ng kaniyang araw.
Pinayuhan siya ng isang babae na mag-ayos at may oras pa raw siya para makapag-makeup.
Dahil napanood niya ang isa sa videos ng Beauty Bar, nagkaroon siya ng interes sa pagpapaganda.
Habang nasa restroom, sinubukan ni Maxine na maglagay ng makeup sa kaniyang mukha.
Ilang minuto matapos siyang mag-ayos ng kaniyang mukha ay natapunan naman siya ng drink ng babaeng kaniyang nakasalubong.
Dahil dito, nawalan na ng gana ang dalaga na ituloy ang pag-a-apply para sa pangarap niyang trabaho.
Tila kahit anong gawin niya para makibagay sa mga kasabayan niyang mga babae na laging presentable tingnan, lagi nalang pumapalpak ang kanyang mga paraan sa pagpapaganda ng kaniyang mukha.
Ano kaya ang susunod na mangyayari kay Maxine?
Samantala, panoorin ang eksenang ito:
Maxine's worst day ever!
Subaybayan ang kuwento ng Beauty Boy, mapapanood tuwing Lunes at Huwebes, 2:45 p.m. sa GTV!
Para sa iba pang Kapuso stories, bisitahin ang www.GMANetwork.com
SAMANTALA, KILALANIN ANG THAI STARS NA NAPANOOD SA ILANG GMA HEART OF ASIA SHOWS SA GALLERY SA IBABA: