GMA Logo barbie forteza and kyline alcantara in south korea
What's on TV

'Beauty Empire' cast, nag-shoot ng ilang eksena sa South Korea

By Jansen Ramos
Published May 16, 2025 3:44 PM PHT
Updated June 18, 2025 8:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and kyline alcantara in south korea


Pumunta sina Barbie Forteza, Kyline Alcantara, at Aaron Maniego sa South Korea para sa ilang eksena ng upcoming GMA, Viu, and CreaZion Studios series na 'Beauty Empire,' kasama ang Korean actor na si Choi Bo-min.

Lumipad pa-South Korea ang stars ng bagong GMA drama series na Beauty Empire na sina Barbie Forteza, Kyline Alcantara, at Aaron Maniego para kunan ang ilang eksena roon, kasama ang Korean actor na si Choi Bo-min.

Noong Huwebes, May 15, naglabas ang GMA Public Affairs ng ilang larawang kuha mula sa fun shoot ng cast sa Seoul.

Ibinida ng Beauty Empire stars ang kanilang fashionable outfits habang nasa SoKor. Kapansin-pansin din ang kanilang closeness kahit pa first time lang nilang magkakatrabaho sa isang serye.

Ang Beauty Empire ay collaboration series ng GMA, Viu, at CreaZion Studios.

Mapapanood din sa programa sina Ruffa Gutierrez, Sam Concepcion, Sid Lucero, at Chai Fonacier, kasama si Gloria Diaz sa isang espesyal na partisipasyon.

Ipapalabas ang Beauty Empire sa streaming platform na Viu soon bago sa GMA Prime.