
Patindi nang patindi ang mga tagpo sa pinakamagandang laban sa GMA, Viu, and CreaZion Studios drama series na Beauty Empire.
Sa episode ng serye noong nakaraang linggo, inimbestigahan ni Noreen (Barbie Forteza) ang pagkawala ng kanyang inang si Eva (Isay Alvarez).
Kinuha ni Noreen ang pagkakataon na halughugin ang kotse ng asawa ni Velma (Ruffa Gutierrez) na si Eddie (Si Lucero). Dito ay natagpuan ni Noreen ang sketchpad ng kanyang ina at ang police profile ng kanyang "Tatay Chief" na si Gardo.
Bilang pulis, nais ni Migoy (Sam Concepcion) na makatulong sa imbestigasyon pero hindi siya pinayagan ng kanyang station commander.
Ayaw din ni Noreen na ma-involve pa ang kanyang kaibigan para protektahan ito. Gayunpaman, nanatiling pursigido si Migoy at gumawa ng sarili niyang imbestigasyon sa pagkawala ni Aling Eva.
Hinanap ni Migoy ang asawa ng tauhan ni Eddie na si Juancho (Mark Dionisio) at dito nalaman ng binata na pinatay mismo si Juancho ng kanyang amo.
Samantala, nagtaka si Noreen kung paano nakuha ni Eddie ang sketchpad ng kanyang nanay.
Hinala ni Gardo, kagagawan ito ni Grace (Arra San Agustin) na nahuling naghahalungkat sa kanilang bahay.
Sa palagay ni Noreen, kasabwat si Grace sa pagkawala ng kanyang ina at sinet up lang sila nito.
Panoorin ang buong episode sa video sa itaas.
Mapapanood ang Beauty Empire Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA at 11:25 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito sa Viu.
RELATED CONTENT: David Licauco, may guest appearance sa 'Beauty Empire'