What's on TV

Beauty Empire: Shari at Noreen, nagkainitan dahil sa alak!

By Jansen Ramos
Published August 4, 2025 10:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 2 up over Catanduanes, part of Camarines Sur due to Ada
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and kyline alcantara


Sa nakaraang linggo ng 'Beauty Empire,' hindi makapaniwala si Shari (Kyline Alcantara) na siya ang napili ni Tara (Roxie Smith) na maka-collaborate kaya kinuwestiyon niya ito, lalo na ang motibo ni Noreen (Barbie Forteza).

Patindi nang patindi ang mga tagpo sa pinakamagandang laban sa GMA, Viu, and CreaZion Studios drama series na Beauty Empire.

Sa episode ng serye noong nakaraang linggo, nakamit ni Shari (Kyline Alcantara) ang inaasam niyang project.

Siya ang napili ng international influencer na si Tara Park (Roxie Smith) na maka-collaborate over Noreen (Barbie Forteza) sa isang campaign ng Velma Beauty.

Hindi makapaniwala si Shari sa nakuha niyang deal kaya kinuwestiyon niya ito, lalo na ang motibo ni Noreen.

Nagkainitan naman ang dalawa habang nagse-celebrate si Shari ng kanyang success habang nasa bar.

Hinamon ni Noreen si Shari sa isang inuman, kung saan pwede nila tanungin ang isa't isa kada shot.

Dito inamin ni Noreen na gusto niya maging next Velma Imperial (Ruffa Gutierrez) kaya nais niyang makipagtulungan kay Shari para mapababa sa pwesto ang CEO na si Velma.

Naungkat din ang pagkamatay ng kapatid ni Noreen na si Helena (Gabby Padilla) dahil si Shari ang pinagbibintangang kumitil ng buhay nito.

Panoorin ang buong episode sa video sa itaas.

Mapapanood ang Beauty Empire Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA at 11:25 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito sa Viu.

RELATED CONTENT: David Licauco, may guest appearance sa 'Beauty Empire'