
Tumitindi ang mga tagpo sa nalalapit na pagtatapos ng GMA, Viu, and CreaZion Studios drama series na Beauty Empire.
Sa episode ng serye noong Huwebes, September 25, hindi nagustuhan ni Shari (Kyline Alcantara) ang kinahinatnan ng mga plano ni Noreen (Barbie Forteza).
Habang si Shari ay nasa kulungan, nag-aagaw-buhay ang kanyang nanay na kalaunan ay namatay rin.
Tinawagan niya si Noreen para sabihin ang malungkot na balita at sabihin na ilabas siya sa kulungan.
Sinisisi ni Shari si Noreen sa nangyari sa kanya kaya galit na galit siya sa huli. Humingi naman ng tawad si Noreen dahil hindi umayon ang lahat ng kanyang plano kaya hindi niya mailabas agad si Shari sa kulungan.
Dumalaw naman si Eddie (Sid Lucero) kay Shari sa kulungan at dito ay binunyag ng huli na buhay ang asawa niyang si Velma (Ruffa Gutierrez) at palabas lang nila ito ni Noreen para mailabas ang mga krimen na ginawa ng lalaki.
Mapapanood ang huling apat na araw ng Beauty Empire ngayong Lunes hanggang Huwebes (September 29 hanggang October 2), 9:35 p.m. sa GMA at 11:25 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito sa Viu.
RELATED CONTENT: All the fierce looks of Kyline Alcantara