What's on TV

Beauty Empire: Umpisa na ng palabas!

Published September 22, 2025 8:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Saudi King Salman leaves hospital after medical tests
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza in beauty empire


Sa nakaraang linggo ng GMA, Viu, and CreaZion Studios drama series na 'Beauty Empire,' kasado na ang mga plano nina Noreen (Barbie Forteza), Shari (Kyline Alcantara (Kyline Alcantara), at Velma (Ruffa Gutierrrez) para mapabagsak si Eddie (Sid Lucero).

Tumitindi ang mga tagpo sa pinakamagandang laban sa GMA, Viu, and CreaZion Studios drama series na Beauty Empire.

Sa episode ng serye noong Huwebes, September 18, plantsado na ang plano nina Noreen (Barbie Forteza), Shari (Kyline Alcantara), at Velma (Ruffa Gutierrez) laban sa tunay na kalaban--ang asawa ng huli na si Eddie (Sid Lucero).

Napaamin ni Velma si Eddie sa pagpatay nito sa ate ni Noreen na si Helena (Gabby Padilla), na pinagsamantalahan din ng mister ng una.

Kaya naman magkukunwari si Velma na pinatay at ang ituturong salarin ay si Shari para hindi makapagtago agad si Eddie.

Ang planong ito ng paghihiganti ay nabuo para ibunyag ang lahat ng baho ni Eddie.

Mapapanood ang huling walong araw ng Beauty Empire, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA at 11:25 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito sa Viu.

RELATED GALLERY: The acting range of Barbie Forteza