
Kinagiliwan sa TikTok ang kulitan moments ng House of Lies lead stars na sina Beauty Gonzalez at Kris Bernal.
Mapapansin sa isang video na nage-enjoy sina Beauty at Kris sa set ng pagbibidahan nilang upcoming afternoon series.
Dito ay sabay na nag-lip sync ang Kapuso actresses habang makulit na nagpo-pose sa harap ng camera.
Unang ipinakita si Beauty at sumunod naman ay ini-reveal na si Kris pati na ang stage na tinutungtungan ng huli para maging ka-height ang una.
Biro ni Kris sa caption ng video, “Na para bang magka-height lang kami ni @Beauty Gonzalez. Pero no, kailangan ko pa ng patungan haha.”
RELATED CONTENT: On the set of 'House of Lies'
“House of Lies sa January 19 na sa GMA Afternoon Prime,” pahabol pa ng aktres.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 437,000 views at 25,000 heart reactions ang naturang video.
@sheiskrisb NA PARA BANG.. magka-height lang kami ni @Beauty Gonzalez 🤣 Pero, no, kailangan ko pa ng patungan!! Haha! #HOUSEOFLIES sa January 19 na sa GMA Afternoon Prime ✨ #KrisBernal #BeautyGonzales ♬ original sound - dj auxlord
Samantala, bukod kina Beauty Gonzalez at Kris Bernal, bibida rin sa serye ang Kapuso actors na sina Mike Tan at Martin del Rosario.
Abangan ang pagsisimula ng House of Lies, malapit na sa GMA Afternoon Prime.