
Sa dami nang ginawang drama series ng Kapuso star na si Beauty Gonzalez, masaya naman ito na babalik siya sa “dating Beauty” para sa upcoming comedy sitcom niya na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
“Sobrang challenging, at the same time, masaya kasi you have to be spontaneous and natural here,” sabi ni Beauty sa interview niya kay Nelson Canlas sa “Chika Minute' para sa 24 Oras.
Dagdag pa ng aktres, “Different sa drama na talagang iyakan to the max. Parang binabalik ko 'yung dating beauty kasi du'n din ako nagsimula e, sa comedy films.”
Kabilang din si Beauty sa main cast ng upcoming afternoon Prime series na Stolen Life kasama sina Carla Abellana at Gabby Concepcion. Kamakailan lang ay bumida rin siya sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters at The Fake Life.
Sa naunang interview ay sinabi ni Beauty kung gaano siya nagpapasalamat sa mga proyektong dumating sa kanya bilang isang Kapuso.
“Gustong 'kong maipakita 'yung nakakatawang side ko. Iso-showcase ko 'yung pagka-Bisaya ko dito,” aniya.
Sa isang Instagram post naman ay inilahad ni Beauty kung gaano siya ka-excited na makilala ng mga tao ang karakter niyang si Gloria.
“Looking forward for you all to meet Gloria. I'm already in love with her,” sulat nito sa caption.
Samantala, makakasama naman niya ang actor at dating senator na Ramon “Bong” Revilla Jr. na gaganap bilang si Captain Bartolome Reynaldo o Tolome, ang parehong karakter na ginampanan niya sa pelikula na may parehong titulo.
Ani ni Bong, “I'm so happy, at least nagawa ko pa ulit, sa telebisyon naman.”
TINGNAN ANG MEETUP NG MGA AKTOR NG SERYE SA KANILANG STORY CONFERENCE SA GALLERY NA ITO: