
Ilang concerned netizens ang nagpahayag ng kanilang pag-aalala sa litrato na ini-upload ni Beauty Gonzalez sa kanyang social media account.
Ipinost ni Beauty ang kanyang birthday message para sa anak na si Olivia Ines kasama ang nasabing photo. Aniya, "Born This Way.My little blueberry oh how you've grown and how you've changed our lives forever. Thank you for being our anchor and our guiding light. We promise to grow up with you. Ps. Don't hate me for this picture!Happy Birthday Olivia Ines, please please don't grow up so fast!!"
Ayon sa netizens hindi safe ang naked photos ng mga bata ngayon dahil baka magamit ito ng masasamang loob.
Sinagot naman ito agad ni Beauty na walang dapat ipag-alala ang mga tao sa kanyang anak.