
Sa unang pagkakataon, bibida si Kapuso actress Beauty Gonzalez sa isang bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Gaganap si Beauty bilang battered wife na nais tumakas mula sa drug dealer niyang asawa.
Matagal na panahon din daw ang hinintay niya para sa pagkakataong ito.
"I'm so happy kasi finally it's happening. Matagal ko nang hinintay na mag-guest ako sa 'Magpakailanman' but hindi lang talaga nagkaka-timing because I was working also with different projects with GMA. At the same time, I was looking for the perfect story. Finally nag-align 'yung mga stars and now it's happening. I'm happy and nervous at the same time," pahayag ni Beauty sa isang special media conference para sa episode.
Lalo pang naging makahulugan para sa aktres ang episode dahil unang beses niyang nakatrabaho rito si Gina Alajar na nagsilbing direktor nito.
"Ang haba pa ng pinag-uusapan namin, lahat ng mga creative process batuhan kami. It was really fun and finally one of my dreams come true--to be working with an actor-director na hindi ko pa na-try ever in my career," pahayag ni Beauty tungkol kay direk Gina.
Isang mahalagang aral daw ang dapat abangan ng mga manonood sa episode na ito.
"Know your worth. Alamin mo 'yung worth mo bilang tao. Babae ka man o lalaki, kailangan mahalin mo 'yung sarili mo and know na nobody can hurt you," ani Beauty na mag-li-lead din ng upcoming Kapuso serye na Stolen Life kasama sina Gabby Concepcion at Carla Abellana.
Abangan ang una at natatanging pagganap ni Beauty Gonzalez sa brand new episode na "Takas sa Impiyerno," March 11, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: