GMA Logo beauty gonzalez
What's on TV

Beauty Gonzalez, gaganap na psychic sa 'Sanggang-Dikit FR'

By Jansen Ramos
Published September 16, 2025 1:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

beauty gonzalez


Mapapanood na si Beauty Gonzalez bilang Madam Alma sa 'Sanggang-Dikit FR' ngayong Martes.

Ang aktres na si Beauty Gonzalez ang bagong aabangan sa GMA Prime action series na Sanggang-Dikit FR.

Mapapanood na ngayong Martes, September 16, sa serye si Beauty bilang Madam Alma, isang psychic.

Sa teaser ng Sanggang-Dikit FR ngayong araw, nais dumulog ni Bobby, ginagampanan ni Jennylyn Mercado, kay Madam Alma dahil gusto niyang makausap ang kanyang yumaong ama na si Juaquin, ginagampanan ni Roi Vinzon, kahit sa panaginip.

Mag-iimbestiga naman si Tonyo, ginagampanan ni Dennis Trillo, kung legit na psychic si Alma o scam lamang.

Mapapanood ang Sanggang-Dikit FR weeknights, 8:50 p.m., pagkatapos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:30 ng gabi.

RELATED CONTENT: Beauty Gonzalez's remarkable roles in GMA Network