
Nakakuha ng tips sa pag-arte si Beauty Gonzalez mula sa hinahangaang aktres na si Celia Rodriguez.
Ayon sa Instagram story ni Beauty, nakakuha siya ng ilang tips pagdating sa pag-arte ng kontrabida roles.
PHOTO SOURCE: @beauty_gonzalez
Sina Beauty at Celia parehong napapanood sa GMA Afternoon Prime serye na Stolen Life. Si Beauty ay gumaganap na Farrah habang ang seasoned aktres ay napapanood bilang Azon.
Saad ni Beauty, "Contravida tips from the immortal #CeliaRodriguez."
Si Beauty ay napapanood sa Stolen Life bilang kontrabidang si Farrah. Siya ay gagamit ng astral projection para makuha ang kinaiinggitang buhay ni Lucy, ang karakter na ginagampanan naman ni Carla Abellana.
RELATED GALLERY: Meet the cast of 'Stolen Life'
Bukod sa kontrabida tips, nakatanggap pa ng ilang tips si Beauty mula kay Celia. Makikitang naging malapit ang dalawa dahil sa kanilang pagsasama sa Stolen Life.
PHOTO SOURCE: @beauty_gonzalez
Ani Beauty, "Plus fashion tips and the most colorful life stories! What an amazing woman!"
Abangan sina Beauty Gonzalez at Celia Rodriguez sa Stolen Life Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA NAGANAP SA STOLEN LIFE MEDIA CONFERENCE: