
Ang horror thriller film nina Beauty Gonzalez at Derek Ramsay na pinamagatang K(ampon) ay kabilang sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.
Ito ay inanunsyo kahapon (July 10) sa official Facebook page ng Metro Manila Film Festival. Kabilang din dito ang pelikula nina Megastar Sharon Cuneta at Asia's Multimedia Star Alden Richards na A Mother and Son's Story at ang romance drama film nina Kapuso Primetime King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera na Rewind.
Ang fantasy action film na Penduko nina Matteo Guidicelli at Cristine Reyes ay bahagi rin ng naturang film festival.
Sa Instagram story post ni Beauty, ibinahagi niya ang larawan ng unang apat na entries na kabilang sa MMFF at sinabing isang karangalan ang makatrabaho ang team sa likod ng kanyang bagong pelikula.
“Such a privilege to be given this wonderful script and an honor to be working with this amazing team! Let's do this!!”” sulat ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis star sa kanyang caption.
PHOTO COURTESY: beauty_gonzalez (IG)
Ang unang apat na mga pelikula ay base sa script na ipinadala ng production companies. Ang huling apat na films ay pipiliin naman kapag natapos na itong gawin.
Ang 2023 Metro Manila Film Festival ay tatakbo mula December 25 hanggang January 7 sa lahat ng cinemas sa bansa.
Samantala, kasalukuyang napapanood si Beauty sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA.
TINGNAN ANG SEXIEST LOOKS NI BEAUTY GONZALEZ SA GALLERY NA ITO.