
Ang House of Lies lead star na si Beauty Gonzalez ang isa sa mga bumisita sa Bahay Ni Kuya sa nagdaang season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa interview ng GMANetwork.com sa ex-housemates na sina Sofia Pablo at Eliza Borromeo, ini-reveal nila na si Beauty ang isa sa houseguests na naging paborito nila.
Related gallery: Celebs na bumisita sa mga Kabataan Pinoy sa 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'
Ayon kay Eliza, “Si Ate Beauty po, parang nakita ko po 'yung sarili ko sa kanya. Tapos ang saya niya po kasama sa loob [ng Bahay Ni Kuya]. May mga payo rin po siya and lessons para sa amin. Siya po talaga 'yung naging favorite ko na houseguest po namin.”
“Positive vibes po talaga 'yung dala ni Ate Beauty [Gonzalez] nun. Napasaya niya po kami and ayun masaya po siya kasama bilang houseguest namin,” ayon naman kay Sofia.
Sina Sofia at Eliza ay nakilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Strong-Willed Sunshine ng Quezon City at Determinadong Dilag ng Cavite.
Samantala, kasalukuyang umeere sa GMA Afternoon Prime ang bagong drama series na House of Lies, kung saan si Beauty Gonzalez ang isa sa lead stars. Kasama niya rito sina Mike Tan, Martin del Rosario, at Kris Bernal.
Ipinapalabas ang House of Lies tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.