
Matapos ang halos dalawang dekada, magbabalik na ang House of Lies star na si Beauty Gonzalez sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother sa Celebrity Collab Edition 2.0 bilang houseguest.
Matatandaan na unang nakilala si Beauty Gonzalez noong naging housemate siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008.
Sa Friday episode ng teleserye ng totoong buhay, na-tease ang pagbabalik ni Beauty nang mag-post ng isang clip kung saan makikita ang aktres sa loob ng confession room.
“Maligayang pagbabalik sa aking bahay, Beauty!” bati ni Kuya sa kaniyang dating housemate.
Sagot ng aktres, “Hearing your voice, I feel like I'm 16 again. Naks!”
TINGNAN ANG ILAN SA MGA KAPUSO ACTORS NA DATING 'PINOY BIG BROTHER' HOUSEMATES SA GALLERY NA ITO:
Nang makita siya sa loob ng bahay ay dali-dali siyang niyakap ng dating Prinsesa ng City Jail co-star na si Sofia Pablo, at kapwa Kapuso actor na si Marco Masa.
Mapapanood ang pagbisita ni Beauty sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ngayong Sabado, January 24.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ng live sa GMA at Kapuso Stream tuwing weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na mapapanood dito: https://www.gmanetwork.com/pbblivestream