What's Hot

Beauty Gonzalez, nag-aral ng yoga sa India

By Marah Ruiz
Published September 23, 2025 6:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PHIVOLCS logs 400 back-to-back earthquakes in Kalamansig, Sultan Kudarat
Over 150 cellphones stolen during Sinulog fest recovered
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez


Nag-aral si Beauty Gonzalez sa India at natapos ang kanyang yoga teacher training course.

Isang buwang namalagi sa bansang India ang aktres na si Beauty Gonzalez.

Namalagi siya sa Rishikesh at nakumpleto ang 200-hour yoga teacher training course na kinuha niya sa isang kilalang ashram dito.


"I studied yoga. Hopefully, someday, I'll be a yoga teacher, but it was more for myself. I wanted to learn something new. Aside from that, taking care of myself, may pagka-retreat. Gusto ko may bago akong talent. I really love India and I love yoga," pahayag ni Beauty.

Ito raw ang unang pagkakataon na naging mag-isa siya sa isang foreign country.

Gayunpaman, sumunod din ang mister niyang si Norman Crisologo at anak nilang si Olivia sa India para magbakasyon.

SILIPIN ANG MAKULAY NILANG PAGBISITA SA INDIA DITO:



Samantala, may inihahanda na rin bagong passion project si Beauty.

Plano daw niyang maglunsad ng isang online store para sa mga damit at accessories na idinisenyo niya at inspired ng kanyang mga biyahe.

"Everybody's asking where I get my jackets, my pants. Not everyone knows, ako lang nagde-design noon. Mahilig talaga 'kong bumili ng mga kakaibang bagay so sabi ko, gawin ko kayang negosyo 'to," bahagi ni Beauty.

Kasalukuyang napapanood si Beauty sa primetime action drama series na Sanggang Dikit FR kung saan first time niyang makatrabaho sina Ultimate Star Jennylyn Mercado at Kapuso Drama King Dennis Trillo.

"They're so cute. They're so loving. It's my first time to meet Jen. It's so funny kasi pareho kami ng manager pero ngayon lang kami nagkita," saad ni Beauty.

Matatandaang parehong nasa ilalim ng Aguila Entertainment sina Beauty at Jennylyn, at maging si Dennis.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.