GMA Logo Beauty Gonzalez
What's on TV

Beauty Gonzalez, nagkapasa dahil sa intense scene nila ni Denise Laurel sa 'Prinsesa Ng City Jail'

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 19, 2025 6:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

People gather near a light installation ahead of Vesak Day
Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento marks 16 years with a two-part anniversary special
Sayran nato ang Dagan sa Panahon karong Adlawa May 29, 2026 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez


Paliwanag ni Beauty, imbis na si Denise ang masaktan ay tinodo niya na lang ang pag-arte kaya nagkaroon siya ng pasa.

Dahil sa intense na mga eksena sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail, nagkaroon ng pasa ang aktres na si Beauty Gonzalez.

Sa panayam niya sa 24 Oras, sinabi ni Beauty na bigay na bigay siya sa mga eksena nila ni Denise Laurel kaya nagkaroon siya ng pasa.

"May mga eksena kami na ayaw ko rin masaktan si Denise sa mga sampalan or awayan namin, sinasaktan ko na lang sarili ko," kuwento ni Beauty sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

"Kasi siyempre, we wanted it to be as realistic as possible. So, ayan, kasama po 'yan sa trabaho."

Dagdag ni Denise, maraming kaabang-abang na mga eksena sa Prinsesa Ng City Jail ngayong linggo.

Aniya, "Halos every week, starting this week, madaming, actually magiging busog na busog po kayo, well-fed po ang ating mga Prinsesa Ng City Jail stans. You guys will be so mad at me, and I'm looking forward to it."

Bukod sa awayan nina Beauty at Denise sa Prinsesa Ng City Jail, kaabang-abang rin ang banggaan ng mga karakter nina Sofia Pablo at Lauren King na sina Princess at Libby.

Intense man on cam, naging magkaibigan sina Sofia at Lauren sa likod ng kamera.

Saad ni Lauren, "Doon ko rin po na-realize na importante din magkaroon ng relationship sa co-actor mo kasi mas madali pong makapagtrabaho."

Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras DITO:

Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.