
Magkasamang bumisita sa studio ng Fast Talk with Boy Abunda ang House of Lies lead stars na sina Beauty Gonzalez at Kris Bernal.
Kabilang sa napagkwentuhan nina Beauty at Kris kasama si Tito Boy ay ang kanilang birthdays sa parehong buwan.
Ayon kay Tito Boy, “Gemini at Taurus kayo… both are May babies.”
Kasunod nito, inilahad ni Beauty na naniniwala siya sa zodiac signs at ikinagulat ni Kris na ginagamit ito ng una sa kanyang acting career.
Sabi ni Beauty, “I believe in zodiac signs. It really helps me with my acting also kasi I really research kung sino 'yung kasama ko sa work. Anong zodiac nila so I can talk to them how I wanted it to be. Sometimes it helps naman on how you talk to the person.”
Bukod dito, napagkwentuhan din nila ang tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng House of Lies.
Napapanood ang Kapuso actresses sa intense drama series bilang sina Marj (Beauty Gonzalez) at Thea (Kris Bernal).
Related gallery: On the set of House of Lies
Si Marj ang asawa ni Paolo (Mike Tan) at ina ni Jasmine (Kayla Davies), habang si Thea naman ang asawa ni Edward (Martin Del Rosario) at ina ni Ashley (Angel Cadao).
Huwag palampasin ang finale ng House of Lies, ngayong Biyernes na May 22, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa GMA Play.