
Hindi makapaniwala ng versatile TV-movie actress na si Beauty Gonzalez na taong 2008 siya unang tumapak sa Bahay ni Kuya bilang housemate ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus.
Ang House of Lies star ay ang latest House Guest na napanood sa PBB kagabi, January 24.
Nang nasa confession room, nagbiro pa si Beauty nang magkumustahan sila ni Big Brother: “Wow, oh my God! Kuya, matanda na ako [laughs]. Tagal na hearing your voice I feel like I'm 16 uli, naks!”
Source: beauty_gonzalez (IG)
Dito, ikinuwento naman ni Beauty ang mga pagbabago na nangyari sa buhay niya. Tulad ng makasal siya kay Norman Crisologo.
Proud din siya bilang nanay ni Olivia Ines na isinilang niya taong 2016.
Kuwento ni Beauty sa PBB, “Well pumayat na ako for one, nawala na 'yung baby fats. Now, I have a baby girl, I'm married already.
“I'm blessed and thankful kasi, I'm very lucky with my husband, very supportive siya and my daughter sobrang kung makikita mo lang sobrang kamukha ko rin.”
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.
www.gmanetwork.com/pbblivestream
RELATED GALLERY: The many times Beauty Gonzalez lived up to her name