GMA Logo Beauty Gonzalez
What's on TV

Beauty Gonzalez on working with co-stars in 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2': 'Everybody is like family already'

By Dianne Mariano
Published January 16, 2024 1:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Agusan del Sur governor denies arranging lawyers for Baterbonia family
Ateneo: Tab Baldwin’s silence requested, advised by university
Independence Day celebrations and deals

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez


Masaya ang taping experience ng versatile actress na si Beauty Gonzalez para sa second season ng action-comedy series na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'

Muling bibigyang-buhay ni Beauty Gonzalez ang kanyang role bilang Gloria Reynaldo sa upcoming action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2.

Related content: Beauty Gonzalez's remarkable roles in GMA Network

Makakasama rin muli ni Beauty sa serye si Bong Revilla Jr., na gaganap bilang Tolome.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Beauty, labis ang tuwa ng versatile actress nang malaman na magkakaroon ng ikalawang season ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

“Sobrang saya siyempre kasi season two it means that the show is working and a lot of people [ang] may gusto ng show namin kaya maraming salamat po sa lahat ng sumusuporta ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Sobrang kilig ako,” pagbabahagi niya.

Ayon pa kay Beauty, napamahal na siya sa kanyang karakter na si Gloria sa serye.

Aniya, “Actually, nung nalaman ko hindi pa ako nakakapaniwala. Sabi ko, 'Totoo ba?' And then nung in-announce na talaga, naiyak ako kasi napamahal na sa akin si Gloria and I love it. This show is very special to me kasi dito nakakapagsalita ako ng Bisaya.”

Bukod dito, masaya rin ang experience ni Beauty sa taping ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 dahil pamilya na ang turingan ng bawat isa sa set.

“Sobrang well-adjusted na. I treat everyone like family already. Sobrang kilalang kilala na nila ako rito. And ang sarap kasi I'm hoping na sana mas mahaba pa kasi talagang everybody is like family already,” saad niya.

Kabilang sa cast ng action-comedy series sina Carmi Martin, Jestoni Alarcon, Ejay Falcon, Liezel Lopez, Niño Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, Raphael Landicho, Nikki Co, Angel Leighton, Jeffrey Tam.

May special participation naman sa serye sina Max Collins, Kelvin Miranda, Herlene Budol, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Celeste Cortesi, Mika Salamanca.

Mayroon ding guest appearance rito sina ER Ejercito, Roi Vinzon, Jay Manalo, Ramon Christopher, Antonio Aquitania, Brent Valdez, Mj Ordillano, at Michael De Mesa.