
Ibinahagi ni Beauty Gonzalez na siya ay proud sa kanyang young co-stars sa upcoming GMA Afternoon Prime series na The Fake Life.
Kabilang sa young cast members ng show na ito sina Sparkle artists Shanelle Agustin, Will Ashley, at Saviour Ramos. Mapapanood din sa series na ito ang aktor na si Carlos Dala.
PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)
Sa ginanap na blogcon nitong Martes, May 31, sinabi ni Beauty na siya'y natutuwa sa kanyang young co-stars dahil malaki ang kanilang improvement sa pag-arte.
Aniya, “I am so proud of these kids, sobra. Sobrang laki ng improvement nila and I can't wait for people to see it. Natutuwa ako kasi siyempre noong first taping day namin, kinakabahan pa sila, nangangapa pa sila. But we really made sure, kami nina Ariel and Sid, that we spend time with them and we help them, we rehearse with them, and nag-mature sila.”
“And I'm really excited for their parents to see this show kasi sobrang nag-level up 'yung acting nila and I'm so proud of them. Magagaling sila lahat,” dagdag pa niya.
Sa The Fake Life, gaganap bilang mga anak nina Beauty (Cindy Villamor) at Ariel (Onats Villamor) sina Shanelle (Jaycie Villamor) at Carlos (Jonjon Villamor).
Bibigayang buhay naman ni Will ang karakter bilang Peter Luna, ang pinagkakatiwalaang apprentice ni Onats sa bee farm, habang si Saviour naman ay gaganap bilang Caloy Luna, ang pinsan ni Peter at magsisilbing konsensya nito.
Huwag palampasin ang world premiere ng The Fake Life sa June 6 sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, kilalanin ang star-studded cast ng The Fake Life sa gallery na ito.