
Isa si Beauty Gonzalez sa Kapuso celebrities na panandaliang nag-pause muna sa acting work para sulitin ang Holy Week break.
Ipinasilip ni Beauty sa kanyang latest posts sa Instagram at TikTok ang kanyang recent vacation, kung saan nagkaroon siya ng time na maka-bonding ang kanyang loved ones.
Kabilang sa highlights ng bakasyon niya ay ang kanyang surfing moments na tila sobrang naging memorable para sa celebrity mom.
Sa isang post, inilahad ni Beauty na proud siya sa kanyang sarili na nasubukan niya ang surfing at kasabay nito ay na-conquer niya ang kanyang takot at nakapag-try pa siya ng mga bagong bagay at adventures.
“I always start off really scared, but I do it anyway… I'm proud of myself that I conquer my fears and do things that normally I would never do,” sulat niya.
Dagdag pa ng Kapuso actress, “I don't think it's a new me. It's just the old me deciding to do new things… Life is too short to keep on dreaming, no day like today to start doing.”
Source: beautygonzalez IG
Bago pa ito, matatandaang sinalubong ni Beauty ang taong 2026 na puno rin ng positivity.
Napapanood si Beauty bilang isa sa lead stars ng intense drama series na House of Lies.
Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.