GMA Logo beauty gonzalez
What's Hot

Beauty Gonzalez, sa chance na manalong best actress para sa 'Kampon': 'It's a very tight game'

By Nherz Almo
Published December 27, 2023 5:52 PM PHT
Updated December 27, 2023 5:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

beauty gonzalez


Nagpasalamat si Beauty Gonzalez sa mga nagbigay ng magagandang komento tungkol sa kanya at sa 'Kampon.'

Lubos ang pasasalamat ni Beauty Gonzalez sa mga magagandang komento tungkol sa pelikulang Kampon, na isa sa official entries ng 2023 Metro Manila Film Festival.

“Thank you, Lord! Kasi, at the end of the day, I just want to do my best, and to read those reviews it felt good kasi, siyempre, nakita nila yung hardwork ko,” sabi ni Beauty nang makausap siya ng GMANetwork.com at ilang piling entertainment media sa ginanap na anniversary party ng Hey Pretty kamakailan.

Dagdag pa ng aktres, iba ang naging paraan niya ng pagganap bilang Eileen, ang asawa ng role na ginampanan ng aktor na si Derek Ramsay.

Aniya, “That's a totally different acting, very subtle yung acting ko sa Kampon.”

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez)

Dahil dito, tinanong siya kung ano ang pakiramdam niya sa posibilidad na manalo siya ng acting award sa Gabi ng Parangal, na gaganapin ngayong gabi, December 27.

“Kinikilabutan na hindi ko maintindihan,” natatawang sagot ni Beauty.

Aminado siya na matindi ang laban para sa naturang award. Bukod kasi sa kanya, maaaring maging nominado rin sina Alessandra de Rossi (Firefly), Marian Rivera (Rewind), Eugene Domingo at Pokwang (Becky & Badette), Kylie Verzosa (Penduko), Sharon Cuneta (Family of Two), at Vilma Santos (When I Met You in Tokyo).

Patuloy ng aktres, “First runner-up, happy na ako. To be considered as one, happy na ako. You know, it's a very tight game, ang daming magagaling.

“Na-conscious tuloy ako, Kinikilabutan ako. Pero happy na ako, I mean, people noticed it and they tell me about it. Basta runner-up, happy na ako.”

Gayunman, hinikayat pa rin niya ang publiko na panoorin ang pelikulang Kampon, na mapapanood sa mga sinehan hanggang January 7, 2024.

“It's not the normal Filipino movies na napapanood mo na may iyakan, sigawan. When you watch Kampon, I promise you, paglabas ninyo ng sine ang dami n'yong tanong sa movie and hindi siya mga katangahan na tanong ha, palaisipan na tanong. Basta ibang-ibang atake ginawa namin dito,” paglalarawan niya

Bukod sa Kampon, araw-araw ring napapanood si Beauty sa GMA Afternoon Prime series na Stolen Life.

SAMANTALA, NARITO ANG ILANG PANG KAPUSO STARS NA TAMPOK SA 2023 MMFF MOVIES: