GMA Logo Beauty Gonzalez and Kelvin Miranda
What's Hot

Beauty Gonzalez teases new film with Kelvin Miranda

By Jimboy Napoles
Published December 10, 2021 10:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang eleksyon, 1897 — Ugat ng hidwaan nila Aguinaldo at Bonifacio | Howie Severino Presents
Fur mom who saves dogs from fire in Mandaue City commended
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez and Kelvin Miranda


Tila may maagang reunion ang tambalan nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda sa ginagawang pelikula ni direk Adolfo Alix Jr.

Naging matagumpay ang unang kuwento ng GMA Afternoon drama anthology na Stories from the Heart ang “Loving Miss Bridgette” na pinagbidahan nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda kamakailan. Bagama't May-December love affair ang kuwento nito, pumatok at nagustuhan naman ng maraming netizens ang kanilang naging tambalan.

Ngayon, tila sa big screen naman mapapanood at magpapakilig ang KelTy sa pelikulang ginagawa ngayon ng direktor na si direk Adolfo Alix Jr.

Sa Instagram post ni Beauty, makikita ang sweet photo nila ni Kelvin na kuha sa set ng isang pelikula.

"Do You Really Want To Live Forever? #AfterAll A film by @aalixjr," caption ni Beauty sa kaniyang post.

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez)

Kasabay nito, may Instagram post din si direk Alix kung saan makikita sina Beauty at Kelvin na may new look para sa kanilang mga bagong karakter.

Sulat ng direktor, "Experiencing the magic all over again! Thank you for the trust! Meet Yna & Joseph. #AfterAllDay2."

A post shared by Adolfo Borinaga Alix, Jr. (@aalixjr)

Wala pang pormal na anunsyo at detalye patungkol sa pelikula, pero tiyak na may aabangan muli ang fans ng tambalan nina Beauty at Kelvin.

Samantala, balikan ang naging kwento nina Bridgette (Beauty Gonzalez) at Marcus (Kelvin Miranda) sa gallery na ito: