
Malaki daw ang naging bahagi ng kayang mister na si Norman Crisologo sa desisyon ni Beauty Gonzalez na pumirma ng kontrata sa GMA Network.
Ang asawa daw kasi niya ang una niyang kinosulta tungkol sa career move na ito.
"Una kong kausap, asawa ko. At first he was like, 'GMA? Are you sure?' Kasi siyempre hindi naman ganoon ka [familiar] 'yung asawa ko sa showbiz. The other station with the heart, they're accepting me with a big heart, sabi kong ganoon. They want me there," kuwento ni Beauty sa naging usapan nila ni Norman.
Masaya daw siya na suportado ng kanyang asawa ang desisyon.
"He's very happy because change is good. He always tells me to follow my heart, follow my gut feeling, use my brains. He just made it so easy for me to decide. I'm very happy kasi he's very supportive with my decision," bahagi ng aktres.
Bukod sa asawa, naging very vocal din sa suporta ang kanyang ina. Sakto kasing nasa kanyang hometown sa Dumaguete si Beauty nang nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang manager na si Arnold Vegafria.
"The time na tinawagan ako ni Arnold, timing talaga nasa province ako with my mom. She was so happy. She was like, 'Go, go for it, go!' When something gives you an opportunity, don't take it for granted. Go for it. That's a good project. It's meant to be," pahayag niya.
Nakatakda si Beauty na bumida sa isang romance mini-series na pinamagatang Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.
Nasa casting stage pa lang ang produksiyon pero ayon kay Beauty, kaabang-abang daw ang magiging leading man niya dito.
"Nagka-cast pa lang sila but sobrang excited ako sa show na 'to kasi sobrang ibang iba talaga siya sa ginagawa ko before. Bigyan ko kayo ng konting clue--kung dati lahat ng mga kasama ko medyo may edad na, ngayon naman bagets," sambit ni Beauty.
Looking forward naman daw siya na makatrabaho ang mga bago niyang makikila sa produksiyon at sa network.
"Nagka-casting pa lang sila, pero I'm really excited to work with young ones, new ones. That's the only way you could learn also. You learn from your kids, you learn from the young ones nowadays. I'm really excited to just learn with this new group of people," paliwanag niya.
Pumirma ng kontrata si Beauty sa GMA Network noong June 11. Isang espesyal na virtual event ang idinaos para i-welcome si Beauty bilang isang bagong Kapuso.
Samantala, mga nakabibighaning larawan ni Beauty rito: