
Full of positive vibes, stress-free, at carefree ang peg at branding ng isa sa House of Lies lead stars na si Beauty Gonzalez ngayong 2026.
Sa GMA Integrated Interviews, kung saan nakakuwentuhan ni Nelson Canlas sina Kris Bernal at Beauty, inilahad ng huli na nakafocus siya sa present at pati na rin sa masasayang pangyayari sa kanyang buhay.
Ayon kay Beauty, hindi niya iniisip ang mga bagay na makapagpapakaba o magiging sanhi ng kanyang pag-aalala.
“Me, as a person, I only think about today. I don't think about yesterday, it's done. Tomorrow is another day, I'll just think about it when I get there,” pahayag ng aktres.
"As long as I can say I love you to all the people that I love and make someone happy ang hug the person that I want… I'm happy.”
Pahabol pa niya, “If there's fear and pain, I'll just ride through it, face it.”
Gaya ni Kris, sinimulan din ni Beauty ang bagong taon sa pagkakaroon ng quality time kasama ang kanyang pamilya.
Si Beauty ang isa sa mga bibida sa upcoming drama series na House of Lies.
Bukod kay Kris, makakasama rin niya sa serye sina Mike Tan, Martin del Rosario, at marami pang iba.
Abangan ang pagsisimula ng House of Lies, ngayong January 19 na sa GMA Afternoon Prime.
Related gallery: Beauty Gonzalez's alluring photos