GMA Logo lars pacheco online gambling
What's Hot

Beauty queen Lars Pacheco, natalo ng ilang milyon dahil sa online sugal: 'Naging adik ako'

By Aedrianne Acar
Published October 1, 2024 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala cheered on by Gauff, Mboko after SEA Games run
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

lars pacheco online gambling


Dahil sa pagkalulong sa sugal, pag-amin ni Lars Pacheco: “Naging makapal 'yung mukha ko.”

Naging bukas sa publiko na ikinuwento ng transgender beauty queen na si Lars Pacheco ang pagkalulong niya sa online gambling.

Sa viral Facebook video ni Lars na “How I lost 5 million in Online Gambling,” na may mahigit sa 5.7 million views, binalikan niya kung paano siya nahimok magsugal at ito raw ay nagsimula noong 2021.

Pagbabalik-tanaw ng beauty queen, “Well I'm super duper afraid to create this video, but baka maging help. So, it started in 2021 [sa] online sabong in a money app. So, I don't have [an] idea kung paano siya laruin. So, nakikinood ako dun sa mga kasama ko sa bahay, hanggang sa sinubukan ko na siya.

“Dahil nga wala ako alam, namimili lang ako ng color blue or color red. So, meron o wala. So, kung ano 'yung feeling ko lucky color 'yun lang kasi wala talaga ako alam sa mga manok.”

Nang lumaon mas natutunan na ni Lars kung paano maglaro sa online sabong, pero umabot pa rin sa PhP600,000 ang natalo sa kaniya.

Lahad niya, “So, habang tumatagal, feeling ko nagiging expert na ako. So kung ang dati, ang tinitingnan ko lang yung color blue or red. Ngayon, tinitingnan ko na kung sino 'yung mabilis 'yung paa. Sino yung mahaba 'yung paa? Sino yung maliksi kapag pinapagtuka sila. So, to cut the long story short naging adik ako sa sabong.”

“So, ilang buwan ko na siya ginagawa and then, halos umabot ng PhP600K 'yung talo ko. After nun, nagkaroon ng isyu 'yung mga sabungero. So, tinanggal dun sa money app 'yung online sabong.”

Sumubok pa ng ilang online gambling app si Lars Pacheco at mas lalo raw lumala ito nang maadik naman siya sa isang baccarat gaming app.

“Naging baccarat queen naman ako. And sabi ko, mas madali dito kasi dalawa lang 'yung pagpi-pilian, banker at player. Dito, mas naging seryoso 'yung lahat, kasi 'yung gaming app naka-konekta na siya sa bank account ko. So, every time na QR code lang 'yung ii-scan mo maka--cash in na siya dun sa gaming app.

“So, kung titingnan 'yung transaction history nung gaming app ko, para siyang nire-regla. Kasi kulay red, ang kulay ng deposit. Puro ako deposit, deposit, deposit, wala ako nawi-withdraw. 'Tapos, dumating pa sa point na 'yung bank account ko nali-limit na siya. So, tatawag ako dito sa friend ko, Jonas, 'Lexa pa-transfer n'yo nga ako, kasi, limit na ako.'"

“Since ako nga 'to, hindi nila ako nahi-hindian, siguro nahihiya sila. So, ako naman tina-transfer nila and then, pag 'di na ako limit ita-transfer back ko sa kanila, ,tapos dadagdagan ko na lang. Hanggang sa ganun 'yung routine namin, magpapa-transfer ako, tapos magdadagdag na lang ako.”

Dito na raw na-realize niya na may mali sa kinikilos niya at nauwi pa sa pagsisinungaling sa mga kaibigan.

Napagtanto ni Lars, “'Tapos ito na 'yung part na nag-open ng eyes ko, to stop na talaga. Dito ko na-realized na I met evil in the form of gambling, kasi, natuto ako magsinungaling like sasabihan ko sa mga friend ko limit na ako. Pero 'yung totoo wala na talaga ako pang-cash in. Naging makapal 'yung mukha ko.”

Bago matapos ang video, nag-iwan din siya ng paalala sa mga gumagamit ng online gambling app na tumigil na sila habang maaga.

Aniya, “Imagine 2021 I started wala pang mga social media influencer na nagpo-promote ng sugal, pero naimpluwensyahan ako with just 'sendan mo ako ng 500 pamapahiyang lang.'”

“How much more ngayon na budgeted na and advertised na 'tong mga sugal na 'to. Ginawa ko 'tong video na 'to for a realization na tumigil ka na. Alam ko mahihirapan ka, alam ko nanghihinayang ka sa lahat ng mga napatalo mo. Tanggapin mo na hindi na kayang bawiin lahat ng yun.”

Sumali si Lars Pacheco sa “Miss Q&A" pageant ng It's Showtime noong 2018, kung saan nanalo siya bilang second runner-up. At pasok naman siya sa Top 6 ng Miss International Queen noong nakaraang taon.

Samantala, narito ang ilang out and proud Pinay transgender: