GMA Logo rabiya mateo
What's Hot

Rabiya Mateo, nasa U.S. na para sa Miss Universe 2020 pageant

By Dianara Alegre
Published April 10, 2021 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

rabiya mateo


Gaganapin ang Miss Universe 2020 pageant sa May 16 (U.S. time) sa Hollywood, Florida, USA.

Nakarating na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa Amerika para lumahok sa nalalapit na Miss Universe 2020 pageant.

Pero bago iyon, dadalo muna ang beauty queen sa isang pre-pageant activities kasama ang iba pang mga kandidata.

Aabot sa 80 kandidata mula sa iba't ibang panig ng mundo ang kalalabanin ni Rabiya para maiuwi ang Miss Universe crown.

Gaganapin ang Miss Universe 2020 pageant sa May 16 (Sunday 8:00 p.m. Eastern Time) o May 17 (Philippine Time) sa Hollywood, Florida, USA.

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Lumipad patungong Amerika ang 24-year-old Ilongga noong Biyernes ng gabi, April 9, kasama ang kanyang team kabilang na ang creative director ng Miss Universe Philippines na si Jonas Gaffud.

Bago ito, nakapanayam ng 24 Oras si Rabiya at aniya handa na siyang sumabak sa international pageant kasunod ng ginawa niyang training.

“Alam ko sa sarili na binuhos ko po lahat ng lakas ko at pinaghandaan ko po talaga ito.

"Sana in the coming days maiuwi natin 'yung ikalimang korona para sa bansa,” aniya.

Rabiya Mateo

Source: rabiyamateo (Instagram)

Sa social media naman ay nagpahayag din si Rabiya ng kanyang dedikasyon na magwagi sa Miss Universe.

“Ibubuhos ko ang lahat ng lakas sa laban na ito at taas noo kong sasabihin, 'Ikinararangal kong maging modernong Pilipina sa isip, sa puso, sa diwa, sa salita at sa gawa.'

"Mabuhay ang gawang Pilipino!” aniya.

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Kinoronahan si Rabiya sa kauna-unahang Miss Universe Philippines 2020 pageant noong October 25, 2020.

Sa kasalukuyan ay mayroong apat na Miss Universe winners ang Pilpinas: sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Kilalanin si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa gallery na ito:

Related content:

Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo denounces allegations of cheating: 'I played the game right and fair'

Rabiya Mateo goes viral for 'Filipino resilience' comment