
Natatandaan niyo ba si Rita Gaviola a.k.a Badjao Girl?
Si Rita ay ang batang namamalimos na nag-trending noong 2016 dahil sa kanyang natural na kagandahan at beauty queen looks na nakunan ng isang netizen noong kasagsagan ng Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.
Courtesy: Topher Quinto Burgos
Matapos mag-viral sa social media, mas nakilala pa ang tinaguriang 'Badjao Girl' noong sumali siya sa isang reality TV show, kung saan nakasama niya ang isa sa kalahok ngayon sa Miss Universe Philippines na si Kisses Delavin.
Courtesy: itsritagaviola (IG)
Hindi man pinalad na manalo si Rita, marami ang humanga sa kanya dahil sa tapang niyang harapin ang hamon ng buhay o ang kahirapan.
Tubong Zamboanga ang pamilya ni Rita at ayon sa kanyang ina, napadpad sila sa Maynila dahil mahirap ang buhay nila sa probinsya.
Matapos makilala, marami ang tumulong upang makabangon sa kahirapan ang pamilya ni Rita.
Nabigyan rin ng maayos na trabaho ang kanyang mga magulang.
Kung noon ay kinakailangang mamalimos ni 'Badjao Girl' para may makain, ngayon ay marami na ang nagbago sa kanyang pamumuhay.
Patuloy na nakikilala si Rita Gaviola dahil sa kanyang mga post kung saan makikita ang kanyang natural beauty at transformation.
Sa isang Instagram post kamakailan, ginulat ni Rita ang kanyang followers sa kanyang caption, “Soon sasali na tayo sa miss u.”
Hindi pa man nakokoronahan ang pinakaabangang winner sa kasalukuyang Miss Universe Philippines competition, mukhang excited na ang tinaguriang 'Badjao Girl' na ipamalas ang kanyang kagandahan at kakayahan.
Samantala, tila marami nang advance supporters si Rita Gaviola.
Napuno kasi ng magandang comments ang kanyang Instagram post tungkol sa kanyang plano at pangarap na maging isang beauty queen.
Courtesy: itsritagaviola (IG)
Sa kasalukuyan, nasa 170,000 na ang followers ni Rita Gaviola sa kanyang Instagram account.
Courtesy: itsritagaviola (IG)
Tingnan ang ilang pang larawan ni Badjao Girl Rita Gaviola rito: