
Maghahatid ng kilig ang Kapuso stars na sina Shaira Diaz at David Licauco ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Tampok kasi rito ang romantic comedy movie nila na Because I Love You.
Gaganap si Shaira bilang si Summer, isang very independent at street-smart na babaeng nagtatrabaho bilang bumbero. Si David naman ay si Rael, tahimik at konserbatibong tagapagmana ng kanilang family business.
Magkaiba ang mga mundong ginagalawan kaya mag-aalangan si Summer na buksan ang kanyang puso kay Rael.
Bibigyan ba ng pagkakataon ni Summer si Rael?
Kasama nina Shaira at David sa pelikula si award-winning actor Martin del Rosario at si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.
Abangan ang Because I Love You, December 23, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag din palampasin ang family drama film na Bisperas, starring Tirso Cruz III, Raquel Villavicencio, Julia Clarete at marami pang iba.
Iikot ang kuwento nito sa isang pamilya na malolooban at mananakawan ang bahay sa bisperas ng Pasko.
Hinirang ito bilang Best Film sa 7th Cinemalaya Independent Film Festival noong 2011. Nabingwit din nito ang Best Cinematography at Best Production Design.
Pinarangalan naman si Raquel Villavicencio bilang Best Actress at si Julia Clarete bilang Best Supporting Actress matapos ang kanilang pagganap sa pelikula.
Tunghayan ang Bisperas, December 21, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.