
Sa nakaraang linggo ng romantic drama series na Because of You, pinili ni Andrea (Carla Abellana) na mag-resign na sa kumpanya dahil sa kahihiyang dulot ng pagpapanggap nila ng kanyang boss na si Jaime (Gabby Concepcion).
Siniraan ng ex-wife ni Jaime na si Veronica (Valerie Concepcion) si Andrea sa opisina dahil sa selos kahit siya mismo ang nakipaghiwalay kay Jaime. Ni-label-an si Andrea na "kabit", na kailanman ay hindi niya magagawa dahil galing din siya sa isang broken family.
Minabuti na ni Andrea na lumayo kay Jaime dahil nakakaapekto rin ang kanilang pagpapanggap sa mga anak ng huli.
Mapapanood ang Because of You weekdays sa oras na 5:45 p.m. sa GTV.