GMA Logo Becky and Badette movie in I Heart Movies digital channel
What's on TV

'Becky and Badette,' mapapanood sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published July 27, 2026 12:36 PM PHT
Updated July 27, 2026 12:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP sees no threat in SONA 2026
Here's how Miss Supranational PH Katrina Llegado spent her first week in Poland
Meet OPM band Tuwina

Article Inside Page


Showbiz News

Becky and Badette movie in I Heart Movies digital channel


Kabilang ang 'Becky and Badette' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies.

Maghanda nang tumawa non-stop kasama ang digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Mapapanood kasi ang revenge buddy comedy film na 'Becky and Badette' na mula sa award-winning writer at director na si Jun Robles Lana.

Pinagbidahan ito ng mga bigating Pinoy comediennes na sina Eugene Domingo at Pokwang.

Kuwento ito ng mag-best friend na biglang sisikat matapos ang isang kasinungalingan sa kanilang high school reunion.

Mapapanindigan ba nila ito kapalit ng yaman at success?

Isa ito sa official entries sa 2023 Metro Manila Film Festival kung saan nabingwit nito ang Gender Sensitivity Award at Best Original Theme Song para sa "Finggah Lickin" ni Eugene Domingo.

Abangan ang 'Becky and Badette,' August 1, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para naman sa mahilig sa horror films, nariyan ang 'The Diplomat Hotel' na pinagbidahan ni Gretchen Barretto.

Iikot ang kuwento nito sa isang TV reporter na sinisikap na pasiglahin muli ang kanyang lumamlam na career sa pamamagitan ng paggawa ng documentary tungkol sa Diplomat Hotel sa Baguio.

Kasama ang kanyang crew, magpapalipas sila ng gabi sa hotel na isa sa mga tinaguriang "most haunted" na lugar sa Pilipinas.

Abangan ang 'The Diplomat Hotel,' July 31, 9:35 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.