
Certified couple goals sina KC Concepcion at kanyang French boyfriend na si Pierre-Emmanuel Plassart.
LOOK: Celebs react to KC Concepcion-Aly Borromeo breakup
Sa Instagram post ng actress-singer, makikita ang sweet photo nila habang nasa Seine River sa Northern France.
Ilang celebrities naman ang hindi maiwasang kiligin kina KC at Pierre tulad na lang nila Iza Calzado at eventologist na si Tim Yap.
LOOK: Meet KC Concepcion's new French boyfriend
Isa naman netizen na may Instagram handler na @overjoyed ang nag-comment sa Instagram page ni KC at sinabi na humahanga ito kung paano siya naka-move on sa break up nila ng kaniyang ex-boyfriend na si Aly Borromeo.
Kuwento ni KC na importante na masaya ka sa buhay para madaling matanggap ang mga nangyari.
Saad niya, “Yes just continue to improve yourself and be genuinely happy in life. Happiness is healing and also contagious.”
Umamin ang anak ni Sharon Cuneta nito lamang Marso na naghiwalay na sila ng sikat na football star matapos ang dalawang taon nilang relasyon.
Ani KC, “If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then. Timing is everything. As for me, I've decided to fully support him at the same time move on and spread my wings.”