
Muling nagkita si Asia's Multimedia Star Alden Richards at ang kanyang "puppy love" sa set ng inspiring GMA Telebabad series ng The Gift.
Muling nakalaro ni Alden ang shih tzu puppy na si Yuki, alaga ng may-ari ng bahay kung saan sila nagte-taping para sa serye.
Bukod sa pangingiliti, nakatanggap din si Yuki ng halik at high five mula sa actor.
"Apir? Oh, marunong mag-apir," ani Alden sa video habang hawak ang aso.
Makikita din ang kanyang co-star na si Sophie Albert na dumaan at hinawakan din si Yuki.
Panoorin ang kanilang online exclusive video mula sa set ng The Gift.
Samantala, patuloy na panoorin ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.
BEHIND-THE-SCENES: Alden Richards, may 'puppy love' sa set ng 'The Gift'
WATCH: Alden Richards, may "audition" habang ginagawa ang 'The Gift'