GMA Logo Behind Your Smile
What's on TV

'Behind Your Smile,' mapapanood na sa GTV

By EJ Chua
Published June 14, 2022 2:04 PM PHT
Updated June 21, 2022 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bogo City, Cebu buy-bust yields P7.5-M shabu, drug suspect
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Behind Your Smile


Isang Taiwanese drama series ang inihahandog ng GMA Heart of Asia!

Ngayong Hunyo, mapapanood na sa Philippine television ang Taiwanese drama series na inihahandog ng GMA Heart of Asia sa bawat manonood!

Ito ay ang seryeng Behind Your Smile na pagbibidahan nina Marcus Chang at Eugenie Liu.

Mapapanood din dito ang ilan pang Taiwanese stars na sina Esther Yang, Sean Lee, Angel Hong, at marami pang iba.

Ang kuwento nito ay iikot sa buhay ng isang lalaki na si Ivan (Marcus Chang), na ang puso ay napuno ng galit at mga planong paghihiganti dahil sa mga matitinding naging karanasan niya sa buhay.

Nang mawalan na siya ng gana sa sarili at sa lahat ng bagay sa kaniyang paligid, makikilala niya si Jessa (Eugenie Liu), ang babaeng tutulong sa kaniya upang magbago ang kaniyang buhay.

Pero sino nga kaya si Jessa sa buhay ni Ivan?

Kaya nga bang takpan ng tunay na pag-ibig ang masalimuot na nakaraan ng isang tao?

Abangan ang kuwento ng paghihiganti at pag-ibig sa Behind Your Smile, malapit nang mapanood dito lamang sa GTV.

Samantala, kilalanin ang cast ng upcoming drama series na Start-Up Ph sa gallery na ito: