Si Boobay ang boses ni Fulgoso at mapapanood n'yo na siya ngayong gabi!
By MICHELLE CALIGAN
Mas pinabongga ang nagsasalitang aso ni Marimar na si Fulgoso dahil gagamit ito ng beki language sa tulong si Boobay, o Norman Balbuena sa totoong buhay.
Ayon sa ulat ng Unang Hirit, asahan ng mga manonood ang mga nakakatawang hirit na maririnig mula sa bagong Fulgoso. Aminado naman si Boobay na mahirap ang ginagawa niyang voice acting, pero humuhugot daw siya ng inspirasyon mula sa kanyang alagang aso.
"Ini-imagine ko na nandoon ako mismo sa eksena kasi kapag nagda-dubbing ka, hindi ka kasama sa taping, hindi ko nakikita ang nangyayari. Dapat malakas 'yung imagination mo para tama ang emotion na naibibigay mo bilang boses ang ginagamit sa 'yo doon," pahayag ng Kapuso comedian.