GMA Logo bela padilla and carlo aquino
Courtesy: Viva Films on Facebook
What's Hot

Bela Padilla at Carlo Aquino, iba-ibang challenges ang hinarap sa reunion movie

By Nherz Almo
Published March 9, 2026 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP gears up for March 11 protests marking 1st year of Duterte's arrest 
Transport group files P5 fare hike petition amid rising fuel prices
Crate & Barrel to close Megamall branch, moving to nearby mall

Article Inside Page


Showbiz News

bela padilla and carlo aquino


Minsan daw na-pack up ang shooting ng reunion movie nina Bela Padilla at Carlo Aquino dahil na-high blood ang aktor.

Kakaibang challenge ang hinarap nina Bela Padilla at Carlo Aquino sa reunion movie nilang A Special Memory.

Sa ginanap na media conference ng pelikula kamakailan, inamin ni Bela na hindi niya gusto ang ulan, na di niya naiwasan sa proyektong ito dahil may eksena siyang umuulan.

“Sa totoong buhay, ayaw ko ng ulan,” sabi ni Bela sa kanyang co-actor na si Carlo.

Dagdag pa niya, “Nalulungkot ako kapag umuulan. Siguro dahil lumaki ako sa Pilipinas. Gusto ko maaraw palagi.

Tinanong ng GMANetwork.com kung ano ang naging epekto sa kanya ng naturang eksena.

“Maganda,” sagot ng aktres. “Nakatulong siya sa akin dito sa movie, grabe, because the movie is very heavy and melancholic. It helped me a lot. Minsan sinisindihan pa lang nila yung rain effect, natutulungan na ako emotionally, which was such a big help.”

Agad naming nilinaw ni Bela na hindi lang puro lungkot ang madarama ng mga manonood sa kanilang pelikula.

Aniya, “You know, we keep on saying na ang bigat ng movie, ang sakit ng movie, but there are also beautiful and light moments. I just wanna add kasi baka i-expect ninyo, umpisa pa lang umiiyak na kayo. Although, it could be that way. There are so many light moments also that bring life to the film.”

Fear of heights and high blood pressure

Sa kabilang banda, isang fear naman ang pilit na na-overcome ni Carlo sa A Special Memory, ang fear of heights.

“Nagkaroon kami ng kaunting argument ni Direk Jerry kasi nga ayaw kong sumakay sa mga rides,” pag-amin ni Carlo.

Patuloy niya, “Kasi si Bela, gusto niyang kunan yung eksena na yun. So, ang ginawa ko, sobrang na-anxiety ako, nagagalit ako, pumutok ako habang nandun na sa ride.

“Si Direk Jerry, 'Pumayag ka rito! Pumayag ka rito!'

“Umalis na siya, kinuhanan yun scene. Nagawa ko, pero hindi ko alam kung naisama dahil mukhang takot na takot yata ako dun.”

Hindi na rin daw pinatagal ni Carlo ang hindi nila pagkakaunawaan ni Direk Jerry at agad na humingi ng dispensa.

“After nung scene, dahil nga ayaw ko nang magsayang ng mga oras na hindi kami mag-uusap. Nakasama ko siya nung lumalaki ako sa industriyang ito. Nilapitan ko na at humingi ako ng dispensa. Right there, naging okay kami ni Direk.”

Bukod pa rito, may isang shooting day rin daw na na-pack up sila dahil sa health concern ni Carlo.

Nangyari daw ito nang gawin nina Bela at Carlo ang isang heavy confrontation scene, kung saan galit na galit si huli, na nagbabasag ng plato.

Kuwento ni Bela, “So, dahil budget.com kami, one camera lang nang araw na yon. Kailangan kong hintayin yung camera na lumipat sa akin at mag-focus. So, I had to wait for a cue 'tapos, sobrang tagal na. Kanina pa nabasag yung plato, wala pang nag-cue sa akin.

“Pagtingin ko, si Carlo, nasa sahig. Parang muntik na siyang mag-pass out or nag-pass out. Na-highblood si Carlo sa eksena.

“Si Carlo kasi kapag hindi kami nagte-take, kapag lunch, ang gusto niya kainin, like liempo, taba ng baboy. Siguro dahil sobrang payat niya, akala niya, okay siya.

“Hindi kumakain ng gulay. Ang gusto niya, kape, maraming kape. So, na-high blood po siya sa set.

“Nagbasag siya ng plato, talagang ang BP niya tumaas. Pack-up na pala kami.”

"That's the most special memory for me na kinabahan ako. Sabi ko, ang tagal kong niligawan itong pelikulang ito, hindi pa yata matutuloy,” pabirong hirit ni Bela tungkol sa insidente.

Mapapanood sina Bela at Carlo sa A Special Memory sa mga sinehan simula Miyerkules, March 11.

Related gallery: Celebrity ex-couples and their reunion projects