
Ibinahagi ng aktres na si Bela Padilla na inabutan siya ng curfew sa daan nitong Huwebes, March 19.
Sa kanyang Twitter post, ibinahagi ni Bela ang litrato ng checkpoint sa Mandaluyong, na dadaanan sana niya pauwi sa bahay.
Aniya, “Plot twist: Inabutan ako ng curfew. Pano ako uuwi? Hahaha.”
Plot twist: inabutan ako ng curfew. Pano ko uuwi? Hahhaha pic.twitter.com/Shi8imPiTL
-- Bela Padilla (@padillabela) March 19, 2020
Galing ang aktres sa pamamahagi ng packaged goods na nalikom niya para sa mga street vendors at frontliners.
Last 2 stops makati and taguig. Send the Philippine army some love too if you can! ❤️🙏🏻 our last meal as at around 1pm today but everyone's smiling and even singing here in the bus ❤️❤️❤️ I have a newfound respect for these beautiful souls! pic.twitter.com/NZfnGFqwOI
-- Bela Padilla (@padillabela) March 19, 2020
Sa pamamagitan ng isang online funding, nakalikom si Bela ng PhP3 million na donasyon sa loob lamang ng ilang araw.
Matatandaang isinailalim ang buong Luzon ang enhanced community quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Bahagi nito ang striktong pagpapatupad ng home quarantine, ang 8:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. curfew, pagsasara ng mga establisyimento, pagsuspinde ng klase at trabaho, at suspensiyon ng mga pampublikong sasakyan,
Bela Padilla shares sneak peek on food donations for street vendors in Metro Manila
TINGNAN: Pinoy celebrities, pinairal ang bayanihan sa gitna ng COVID-19