
Masaya ang aktres na si Bela Padilla na muling makatapak sa GMA Network sa kanyang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, March 3.
Sa kanyang panayam sa TV host na si Boy Abunda, nilinaw ni Bela kung bakit nagdesisyon siyang manirahan na sa London kasama ang kanyang pamilya.
Ayon kay Bela, minabuti niyang umalis sa Pilipinas at lumipat na sa London nang magkaroon ng pandemya.
Kuwento niya, “Siguro nag-pandemic Tito Boy, lahat tayo naghanap ng lugar sa mundo kung saan tayo pinakakomportable, kung saan tayo 'at home' and nung pandemic I didn't feel it anymore in the Philippines so I felt like I had to leave.”
Diin pa ng aktres, Ito lamang ang dahilan kung bakit napili niyang umalis at hindi totoo na lilisanin niya na nang tuluyan ang Pilipinas.
Aniya, “Parang 'yun lang wala siyang big explanation, wala siyang big meaning o deep meaning na parang aalis na ako, iiwan ko na kayo, wala akong pinag-isipan na ganun.”
Paglilinaw pa niya, nagtayo na siya ng film company sa United Kingdom nang magsimula siyang gumawa ng pelikula pero umuuwi pa rin siya sa bansa para sa kanyang mga taping.
“Right now I'm based in London. I associate myself living in London pero siyempre dahil isa akong artista, nag-uumpisa na ako ngayong mag-direct ng pelikula, I built my own production house, I have a film company in U.K., I still love working with people I know siyempre kasi dito tayo sanay e,” ani Bella.
“So umuuwi ako dito kapag kailangan kong mag-shoot ng pelikula,” dagdag pa niya.
SILIPIN ANG BUHAY NI BELA PADILLA SA LONDON SA GALLERY NA ITO: