GMA Logo Bela Padilla and Kim Chiu
Source: It’s Showtime & GMA-7
What's on TV

Bela Padilla, nagbigay ng opinyon kung normal ang madalas na breakups sa isang relasyon

By Aedrianne Acar
Published August 13, 2024 4:04 PM PHT
Updated August 14, 2024 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 15, 2025) | GMA Integrated News
Teen stabbed multiple times in Dueñas, Iloilo
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Bela Padilla and Kim Chiu


'It's Showtime' viewers, naka-relate ba kayo sa kuwento ng pag-ibig ng “EXpecially For You”searcher na si Abby na ilang beses na nakipag-break sa kaniyang ex-boyfriend?

Four breakups in eight years and five months. Ito ang kuwento ng love story ng “EXpecially For You” searcher na si Abby na buong puso ikinuwento ang nangyari sa kanila ng ex-boyfriend.

Kasama pa ng dalaga sa It's Showtime ang kaniyang ina na si Mommy Jacqueline.

Matapos mapakinggan ni Ogie Alcasid ang nangyari kay Abby, may sundot siya na tanong sa mga female co-hosts niya na, “Is that rare na madaming beses na mag-break up?”

Dagdag ng OPM singer, “O 'di ba ewan ko sa inyo gusto ko malaman sa inyo kung isang breakup lang okay na 'yun o pagbibigyan n'yo pa? Nangyayari ba talaga 'yun.”

Sumagot si Bela Padilla na sinabing, “Feeling ko lang sa [tumingin kay Kim Chiu] alam ko lang, parang medyo parehas kami, magkaugali kami. Parang kami 'pag break, break.”

Sabat naman ng best friend niya na si Kim Chiu, “'Pag ayaw mo na, e di huwag na. Bakit na-open 'yung topic na gusto mo na hiwalayan ako, so, ibig sabihin.”

Para naman kay Tiyang Amy Perez na may mga couple na tila nagiging “dare o hamunan” ang nangyayari kaya nagbi-break ng ilang beses.

Paliwanag niya sa It's Showtime, “Meron naman iba kasi ang nangyayari parang sa relationship para i-test mo 'yung love for each other lagi kayo naghahamunan ng hiwalay.”

“Na minsan nakakatakot, parang dare 'yun 'yung naka-experience ko nung bata ako,” pagpapatuloy niya.

“Pero nung araw kasi, ganun, parang nagpapasiklaban sa pag-dare. Konting kibot, ayoko na hiwalay na tayo! Tapos gusto niya wini-winback siya.”

Tanong uli ni Ogie “Pero hindi n'yo meant 'yun?

“Hindi! Pero ang nakakatakot kapag nasanay either 'yung girl or 'yung boy na ginagawa 'yun. 'Pag kinall 'yun ang nakakatakot,” saad ni Tiyang Amy.

RELATED GALLERY: SHOCKING CELEBRITY BREAKUPS: