GMA Logo bela padilla
Courtesy: Nherz Almo (left photo), @bela on Instagram (right photo)
What's Hot

Bela Padilla on rumored new love life: 'Wala pa akong sinasagot'

By Nherz Almo
Published February 19, 2026 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Raffy Tulfo expresses concern over NAIA Terminal 1 ceiling collapse
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

bela padilla


Nilinaw ni Bela Padilla ang viral video at photos niya kasama ang isang non-showbiz guy.

Hindi nakaiwas si Bela Padilla sa tanong tungkol sa kanyang love life sa media conference ng upcoming movie nila ni Carlo Aquino na A Special Memory.

Sa event na ito, na ginanap kahapon, February 18, tinanong ng veteran entertainment journalist na si Aster Amoyo si Bela tungkol sa bouquet of flowers na ipinost niya sa kanyang Instagram account noong Valentine's Day.

“Oooh! Naku po! Si Carlo na lang. Charot,” natatawang sagot ni Bela.

Patuloy niya, “Isi-secret ko na lang muna. Ibubulong ko na lang sa 'yo, Tita Aster. Wala pa. I'm not seeing anyone right now. Natuwa lang naman ako na maganda yung flowers, pero wala pa akong sinasagot.”

A post shared by Bela (@bela)

Bukod sa flowers, na-curious din ang ilang fans at followers sa ipinost na video ni Darren Espanto sa Instagram Story, kung saan kasama niya sina Kim Chiu, Bela at katabi nitong non-showbiz guy. May ilang mga larawan ding lumabas online kung saan kasama niya ang naturang lalaki.

Sa hiwalay na panayam kina Carlo at Bela matapos ang presscon, pabirong sinabi ni Bela, “Tatawagan ko si Darren mamaya. Aalamin ko po 'yan. Patay sa akin si Darren mamaya.”

Pero muli niyang nilinaw na wala pa siyang bagong love life.

“It is too early to tell, startung stages, baka ma-jinx. Wag muna, guys. I am just enjoying my life lang din muna,” ani Bela

Gayunman, sinabi niya na handa na siyang buksan ang puso sa bagong love life.

“I think so, matagal na rin— more than a year na akong single. Kung meron, meron. Kung wala, wala.” pagtatapos ni Bela.

Mapapanood sina Bela at Carlo sa A Special Memory, ang local adaptation ng Japanese series na Pure Soul. Ipalalabas ito sa mga sinehan simula March 11.

Related gallery: Celebrities and their rumored romantic partners in 2025