GMA Logo Bela Padilla, Martin Tan
Photos by Certified Kapamilya (X), Bela Padilla (Facebook)
What's Hot

Bela Padilla reacts to viral photo with rumored new beau

By EJ Chua
Published August 19, 2026 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos touts effects of gov't interventions amid Metro Manila flooding
One Mindanao: August 19, 2026 | Livestream
Mga bata, sinagip ng mga residente sa rumaragasang baha | Reporter's Notebook

Article Inside Page


Showbiz News

Bela Padilla, Martin Tan


May short but genuine reaction si Bela Padilla sa isang post kung saan spotted siyang kasama ang kanyang rumored new love.

Usap-usapan ngayon si Bela Padilla at ang kasama niya sa ilang photos na tinawag ng fans na “mystery man.”

Palaisipan kasi ngayon sa marami kung siya ba ang bagong pag-ibig ni Bela.

Sa X (formerly Twitter), agaw-pansin ang comment ng aktres sa post, kung saan makikita ang photos niya kasama ang kanyang rumored non-showbiz boyfriend na si Martin Tan.

Mababasa sa caption ng uploader, “I think, what we see is what we get na. No need to make kulit. But I am genuinely happy for Bela Padilla. Since I met and talked to her in person… and saw how genuine and kind she was, I silently hoped na sana she finds the love na she deserves and sana rin ito na 'yun. We love you @bb_belaaa.”

Reaksyon dito ni Bela, “Your caption is so sweet!! Thank you [teary-eyed emoji.”



Kasunod nito, tila marami ang mas napaisip kung ito na nga ba ang sign o confirmation nii Bela tungkol sa kanyang rumored new love.

Samantala, sa isang event, may pahapyaw si Bela tungkol sa current status ng kanyang love life.

“Hindi pa jowa eh, parang ano pa lang getting to know, getting to know all about you ganon,” pahayag niya.

Samantala, matatandaang noong 2025, kinumpirma ng aktres ang breakup nila ng kanyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Bay.

Si Bela ay kabilang sa AngBeKi, ang tawag sa grupo nila ng kaniyang best friends na sina Angelica Panganiban at Kim Chiu.

Related gallery: Meet the AngBeKi, the friendship of Angelica Panganiban, Bela Padilla, and Kim Chiu